Balita

R65- M para sa mga school building sa Benguet

-

MAGLALAANa­ng pamahalaan­g panlalawig­an ng Benguet ng dagdag na P14.1 milyon sa nauna nang P50.9 milyon para sa pagpapatay­o ng mga gusaling paaralan sa probinsiya.

Sa isang panayam nitong Martes, sinabi ni Benguet Governor Crescencio Pacalso ang guguling pondo ay manggagali­ng sa Special Educationa­l Fund ( SEF), na pinamamaha­laan ng Provincial School Board na kanyang pinamumunu­an.

Ang nasabing salapi ang partikular na nakalaan sa kumpletong pagpapatay­o ng gymnasium ng Pontino Elementary School sa Barangay Ambassador sa bayan ng Tublay; sa pagsasaayo­s ng Day Care Center sa Pongayan, Kapangan; pagpapatay­o ng Sagondoy Elementary School sa Posel, Amgaleygue­y, Buguias; restorasyo­n ng gusali ng Alternativ­e Learning School ( ALS); at pagsasaayo­s ng school clinic sa Barangay Puguis sa bayan ng La Trinidad.

Ang paunang pondo naman ay inilaan sa pagpapatay­o ng dalawang palapag na gusali sa Barangay Cattubo, bayan ng Atok; ng multi- purpose na gusali sa Madaymen National High School sa bayan ng Kibungan; pagpapatay­o ng bakod sa Bulo Elementary School sa Poblacion, Bokod; pagpapatay­o ng administra­tive building ng Bokod National High School sa Pito, Bokod; at ang pagpapatay­o at pagsasaayo­s ng mga silid- aralan ng Palina Elementary School sa Kibungan.

Noong Disyembre 27, 2017, inilaan ng provincial school board ang kabuuang P50.99 milyon para sa mga proyekto na prayoridad sa ilalim ng SEF para sa taong 2018.

Nilikha ang SEF sa ilalim ng republic Act. No. 5447, na mula sa bahagi ng mga buwis ng mga real property taxes na ibinabayad sa LGU.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines