Balita

Martin Escudero, bida sa ‘Marawi’ movie

- Ni REGGEE BONOAN

HINDIlang pala iisa ang pelikulang ginagawa tungkol sa Marawi siege na nangyari noong 2017. Nauna na ang Ang Misyon: A Marawi Siege Story na distribute­d ng Star Cinema at mapapanood na sa Mayo 30.

Ayon sa nakuha naming impormasyo­n ay kuwento ito ng tunay na nangyari sa Marawi na marami tayong kababayang namatay at pinatay ng mga terorista. Pangunahin­g bida sa A Marawi Siege si

Martin Escudero bilang isa sa mga terorista at isang nurse sa nasabing bayan.

Makakasama ni Martin sina Rez Cortez, Tanya Gomez, Darius Razon, Jordan Castillo, Mia Mendiola, Cloyd Robinson, Jack Falcis, Chamberlai­ne Uy, John Michael Wagnon, Tim Sawyer, China Roces, Al Flores, Juan Miguel Soriano at Lou Veloso mula sa direksyon ni Cesar Soriano.

May gagawin ding war movie ang Spring Films na Marawi rin ang titulo na ididirek naman ni Sheron Devoc, kaya curious kami kung ano naman ang magiging kuwento nito.

Tinext namin ang isa sa Spring Films producer na si Binibining Joyce Bernal kung ano ang pagkakaiba ng Ang Misyon:

A Marawi Siege Story sa gagawin nilang pelikula.

“Hindi ko pa alam, hindi ko pa napanood ( ang Marawi Siege),” sagot sa amin ng direktora.

Marami pa ang inaayos sa script nila kaya hindi pa nagsisimul­a ang shooting ng Spring Films.

 ?? Martin ??
Martin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines