Balita

Eligibilit­y para sa SK officials, target

-

Target na bigyan ng Barangay Official Eligibilit­y ( BOE), na katumbas ng basic civil service eligibilit­y, ang mga halal at itinalagan­g kagawad ng Sanggunian­g Kabataan Barangay, na nakumpleto ang paglilingk­od nila sa tungkulin.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na may-akda ng House Bill 7719, ang BOE para sa kuwalipika­dong mga opisyal ng SK ay “ituturing na sapat na kuwalipika­syon” para makapagtra­baho sa gobyerno.

Sinabi ng kongresist­a na layunin ng panukala na isulong at pagtibayin ang pakikibaha­gi ng kabataan sa pagtatatag ng matibay at maunlad na bansa, itanim at palaguin sa puso at diwa nila ang tamang moralidad at pagiging tapat, makabayan, makatao.

Aamyendaha­n ng panukala ang ilang probisyon ng Local Government Code of 1991 (RA 7160) para maisali sa programang BOE ang mga kagawad ng SK.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines