Wanted na Parojinog dinakma sa Taiwan

Balita - - Pangunahing Pahina -

Ni FER TABOY

Inaresto kamakalawa ng Taiwanese Authorities si Ozamiz Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, ang kapatid ng napaslang na si dating Ozamiz Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog, Sr., kinumpirma ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. John Bulalacao, kinumpirma ni Police Drug Enforce Group (PDEG) director Chief Supt. Albert Ignatius Ferro ang pagkakaaresto kay Parojinog, subalit hinihintay pa ng National Headquarters ang official report.

Sampung buwan nagtago si Ardot matapos ang madugong raid sa tahanan ng mga Parojinog sa Ozamiz, na nagresulta sa pagkakapatay kay Mayor Parojinog nang manlaban umano ito sa mga pulis na nagsilbi ng search warrant.

Naglabas ang Department of Justice (DoJ) ng lookout bulletin laban kay Parojinog na wala sa lugar nang isagawa ang raid.

Matagumpay na inaresto ng Taiwanese Police si Ardot sa tulong ng tip ng PNP.

Sa impormasyong ipinagkaloob ng mga arestadong kasamahan ni Ardot, nalaman ng PNP na nagtatago si Ardot sa Taiwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.