Balita

1 patay, 6 tumakas sa Cotabato jail

- Fer Taboy

Patay ang isang bilanggo habang nakatakas ang anim na iba pa sa jailbreak sa Maguindana­o Provincial Jail (MPJ) sa Cotabato City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Cotabato City Police Office (CCPO), naganap ang jailbreak dakong 2:15 ng madaling araw.

Ayon sa CCPO, kinilala ang namatay na si Michael Balitoc, nasa hustong gulang, nahaharap sa kasong murder at illegal drugs.

Tinutugis naman sina Dantes Sandigan Kadatuan, Golly Mangandong, Sindatok Ampatua, Sadam Lucas, Ameludin Maliga at Turac Sabal, pawang nahaharap sa mga kasong illegal drugs, murder, at illegal possession of firearms.

Ayon kay CCPO chief Senior Supt Rolly Octavio, tumakas ang mga suspek sa pamamagita­n ng pagsira sa selda.

Nakita ng jailguard ang pagtakas ng mga suspek at agad nagpaputok ng warning shot.

Sa kabila nito, hindi pinansin ng mga suspek ang jailguard kaya napilitan ang huli na barilin ang mga suspek at napuruhan si Balitoc.

Nagpapatul­oy ang manhunt operation ng pinagsanib na puwersa ng militar, pulis at mga tauhan ng BJMP laban sa mga tumakas na bilanggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines