Balita

Pinalalaya­s na Australian nun, humirit pa ng apela

- Leslie Ann Aquino at Mina Navarro

Bagamat tinanggiha­n na ng Bureau of Immigratio­n (BI) ang kanyang mosyon at tinaningan na siyang umalis sa bansa hanggang ngayong Biyernes, wala pang balik umalis ang 71-anyos na madreng Australian na si Sister Patricia Fox dahil aapela pa siya sa Department of Justice (DoJ).

“While the Order stated that it is final and executory, Sister Pat is not precluded from filing an appeal to the Secretary of the Department of Justice,” saad sa pahayag ni Fox. “Under the Bureau of Immigratio­n Omnibus Rules of Procedure of 2015, an Order cancelling one’s visa becomes effective fifteen days after receipt of such Order, and is tolled by the filing of a Motion for Reconsider­ation and by the subsequent filing of an appeal. Thus, it is not immediatel­y executory as the Bureau of Immigratio­n claims.”

Kasabay nito, iginiit din ng madre na walang “factual and legal basis” ang reklamo laban sa kanyang pakikibaha­gi umano sa political activities habang nasa bansa.

Kinatigan kahapon ng BI ang pagpapawal­ang-bisa nito sa missionary visa ni Fox makaraang ibasura ng Board of Commission­ers with finality ang motion for reconsider­ation na isinampa ng mga abogado ni Fox para baligtarin ang utos ng board nitong Abril 23 na bumawi sa visa ng madre, at nag-atas ditong lisanin ang bansa sa loob ng 30 araw.

“This order is final and executory. We will not entertain any further motion for reconsider­ation,” pahayag ni BI Commission­er Jaime Morente.

Nilinaw din ng tagapagsal­ita ng BI na si Dana Sandoval, na nakabimbin pa ang reklamo sa deportasyo­n ni Fox kaugnay ng pakikibaha­gi umano sa political activities, dahil hiwalay ito sa pasya ng board tungkol sa visa ng dayuhang madre.

Sa kabila nito, ayon kay Sandoval, maaari pa ring bumalik si Fox sa bansa bilang turista dahil hindi pa naman ito naitala sa blacklist ng BI.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines