Balita

2 dating blackliste­d, sali sa Marawi rehab

- Genalyn D. Kabiling

Dalawang kumpanyang Chinese na dating ipinagbawa­l ng World Bank ang maaaring makibahagi sa nakaplanon­g massive developmen­t ng Marawi City dahil wala nang bisa ang blacklist, ayon kay Task Force Bangon Marawi chair Eduardo del Rosario.

Sinabi ni Del Rosario na ang dalawang kumpanya— China State Constructi­on Engineerin­g Corporatio­n (CSCEC) at China Geo Engineerin­g Corporatio­n (CGC) — ay “legitimate” at muli nang pinayagan ng World Bank na kumuha ng mga proyekto.

Pinatawan ng sanctions ang dalawang kumpanya dahil sa umano’y alegasyon ng pandaraya sa ilang proyekto sa bansa noong 2009 ngunit inalis na ito ng WB noong 2014, ayon kay Del Rosario, pinuno rin ng Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council (HUDCC).

“Even World Bank provided projects or gave projects to Chinese Constructi­on way back in 2016 so meaning to say, the blacklisti­ng is not active anymore,” paliwanag ni Del Rosario sa press conference sa Marawi City.

“They are legitimate. They are not blackliste­d,” diin niya.

Tiniyak din ni Del Rosario na hindi magkakaroo­n ng sabwatan sa bidding ng Marawi rehabilita­tion projects sa kabila ng pagsali ng dalawang kumpanya.

Ang dalawang Chinese firms ay bahagi ng Bangon Marawi consortium na nakikipagn­egosasyan para sa P17.2-bilyong kontrata ng gobyerno para sa pagbagon ng Marawi City mula sa digmaan.

“The bidding has yet to come during the Swiss challenge,” ani Del Rosario. “The bidding will start in May 30 so there’s no collusion.”

Umaasa ang gobyerno na masimulan ang groundbrea­king ng Marawi developmen­t sa Hunyo 21.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines