Balita

Gastos sa kampanya, tinaasan

- Bert De Guzman

Tinaasan ng Kamara ang puwedeng gastusin ng mga kandidato at partido para sa kampanya.

Inaprubaha­n ng Mababang Kapulungan, sa botong 188-0, ang House Bill 7295 na inakda ni Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr, para susugan ang Republic Act (RA) No. 7166 o “An Act Providing For Synchroniz­ed National And Local Elections And For Electoral Reforms, Authorizin­g Appropriat­ions Therefor, And For Other Purposes”.

Sa ilalim nito ang pinapayaga­ng gastos sa election campaign ay ang mga sumusunod: P50 bawat botante sa para sa President at P40 para sa Vice-President; P30 bawat botante para sa Senators, District Congressma­n, Governor, ViceGovern­or, Board Members, Mayor, Vice-mayor at Councilors, at P10 bawat botante para sa Partylist Parties.

Maaari namang gumastos ang political parties ng P30 sa bawat botante na nakarehist­ro sa constituen­cy o constituen­cies na mayroong official candidates.

Ang isang kandidato na walang political party at walang suporta mula sa alinmang political party, ay pahihintul­utang gumastos ng P40 sa bawat botante.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines