Balita

Bigas bawas protina sa global warming

-

WASHINGTON (AFP) – Sa pagtaas ng carbon dioxide dahil sa pagsusunog ng fossil fuels, mawawalan ng ilang protina at bitamina ang bigas, at mangangani­b sa malnutriti­on ang milyun-milyong katao, babala ng scientists nitong Martes.

Partikular na malala ang pagbabago sa southeast Asia na bahagi ng araw-araw na diet ang kanin, iniulat sa Science Advances journal.

“We are showing that global warming, climate change and particular­ly greenhouse gases — carbon dioxide — can have an impact on the nutrient content of plants we eat,” sinabi ng co-author na si Adam Drewnowski, professor ng epidemiolo­gy sa University of Washington.

“This can have devastatin­g effects on the rice-consuming countries where about 70 percent of the calories and most of the nutrients come from rice.”

Ang kakulangan ng protina at bitamina ay maaaring mauwi sa growth-stunting, birth defects, diarrhea, infections at maagang pagkamatay.

Ibinatay ang findings sa field studies sa Japan at China, kinopya ang dami ng CO2 na inasahan sa atmosphere pagsapit ng ikalawang bahagi ng siglong ito – 568 hanggang 590 parts per million. Ang kasalukuya­ng antas ay nasa mahigit 400 ppm.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines