Balita

Sex-for-food sa Nigeria, talamak

-

LAGOS (AFP) – Hinimok kahapon ng Amnesty Internatio­nal ang Nigeria na aksiyunan ang mga akusasyon na ginahasa ng mga sundalo at miyembro ng civilian militia ang mga babae at bata sa mga liblib na kampo para sa mga lumikas sa pananakot ng Boko Haram.

Tinipon ng rights watchdog ang maraming testimonya tungkol sa mga diumano’y pangaabuso ng security forces, kabilang ang mga pagpuwersa sa mahihinang survivors na makipagtal­ik kapalit ng pagkain.

Sinabi ni Amnesty Nigeria director Osai Ojigho, na panahon na para ipakita ni President Muhammadu Buhari ang kanyang ‘’frequently­expressed commitment to protect the human rights of displaced people in northeast Nigeria.

‘’Sex in these highly coercive circumstan­ces is always rape, even when physical force is not used, and Nigerian soldiers and (militia) members have been getting away with it,’’ ani Ojigho.

Batay sa huling tala noong Abril 30, halos 1.8 milyong katao sa Nigeria ang lumikas dahil sa mga karahasan ng rebeldeng Boko Haram, na pumatay na ng 20,000 katao simula 2009.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines