Balita

'Baliw' binoga sa pag-iingay

- Orly L. Barcala

Sugatan ang isang lalaki, na sinasabing may problema sa pag-iisip, nang barilin ng hindi pa nakikilala­ng suspek matapos umanong mambulahaw at maghamon ng away sa kanyang mga kapitbahay sa Malabon City kahapon.

Nakaratay sa Tondo Medical Center si Marlon Hernandez, 34, ng Sitio 6, Barangay Catmon ng nasabing lungsod.

Nakabaon pa sa kanang hita nito ang bala ng hindi pa madetermin­ang kalibre ng baril.

Base sa imbestigas­yon, bandang 1:15 ng madaling araw ay lumabas si Hernandez sa kanilang bahay at nagsisigaw at naghamon ng away.

Dahil dito, nagising ang mga kapitbahay ni Hernandez.

Makalipas ang ilang sandali, dalawang magkasunod na putok ng baril ang narinig hanggang sa bumulagta si Hernandez.

Ayon sa awtroidad, posibleng residente rin ng nabanggit na barangay ang bumaril kay Hernandez.

Ayon kay Eva Hernandez, ina ni Marlon, mentally patient ang kanyang anak na posibleng sinumpong dahil sa pag- inom ng alak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines