Balita

QC fire victims: Tulungan n’yo po kami!

- Jun Fabon at Rommel P. Tabbad

Nasa 300 pamilya ang nawalan ng bahay habang limang residente ang nasugatan, kabilang ang tatlong paslit, nang matupok ang kanilang bahay sa Sitio Palanas, Barangay Vasra, Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon.

Sa report ni Quezon City Fire Marshal, Sr. Supt. Manuel Manuel, sumiklab ang apoy sa No. 5 Asparagus Street, Sitio Palanas, na nasa likuran ng Department of Agricultur­e (DA) building, bandang 5:00 ng hapon.

Kinilala ni Fire Chief Insp. Rosendo Cabillan, chief investigat­or ng QC- BFP, ang mga nasugatan na sina Francis Francisco, 28; Marelyn Joselia, 4; Acel Pedromo, 7; Grace Flores, 3; at Alfedo Claveria, 62.

Umabot sa ika-5 alarma ang sunog bago tuluyang naapula makalipas ang isang oras.

Aabot sa mahigit P500,000 ang natupok na ari-arian.

Kaugnay nito, umaapela kahapon kay Quezon City mayor Herbert Bautista ang daan-daang residenten­g apektado ng sunog.

Karamihan sa mga residente ay pansamanta­lang naglatag ng mga banig at sa gilid ng North Avenue, tapat ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife ( NAPW), pansamanta­lang sumisilong ang ilan sa mga ito habang naghihinta­y ng posibleng tulong mula sa lokal na pamahaan ng lungsod.

 ?? ‘DI KITA IIWAN! KEVIN TRISTAN ESPIRITU ?? Tumabi sa pagtulog ang ama sa kanyang anak sa tinutuluya­ng evacuation center sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa Quezon City. Nasa 300 pamilya ang nasunugan sa Sitio Palanas, Bgy. Vasra, Quezon City kamakalawa.
‘DI KITA IIWAN! KEVIN TRISTAN ESPIRITU Tumabi sa pagtulog ang ama sa kanyang anak sa tinutuluya­ng evacuation center sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa Quezon City. Nasa 300 pamilya ang nasunugan sa Sitio Palanas, Bgy. Vasra, Quezon City kamakalawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines