‘Holdaper’ ng mga estudyante timbog

Balita - - Balita - Mary Ann Santiago

Nagwakas na ang pamamayagpag ng umano’y holdaper na nambibiktima ng mga estudyante at call center agent sa Pasig at Marikina nang maaresto sa Rodriguez, Rizal, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa pagsisiyasat ng Eastern Police District (EPD), inaresto ng mga operatiba ng EPD-Special Operations Unit at ng District Intelligence Unit ang suspek na si Sunbert Manansala, 25, ng Block 16, Lot 17, Ampalaya Street, Barangay Tumana, Marikina City, sa tapat ng isang grocery store sa Bgy. San Jose, Rodriguez, bandang 9:30 ng umaga.

Nag- aabang umano ang suspek ng mabibiktima nang matiyempuhan at maaresto ng awtoridad.

Si Manansala ay una nang hinatulang guilty sa kasong robbery hold-up, na isinampa ng isang Justine Torzar noong Enero 2016; at naglabas pa ng warrant of arrest si Judge Armando Velasco, ng Marikina City Regional Trial Court Branch 263, sa kasong robbery (snatching).

Nasa Top 10 din si Manansala sa Most Wanted Persons ng EPD, matapos ingusong responsable sa panghoholdap sa mga estudyante at call center agents.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.