Negosyante nabiktima ng ‘Basag-Kotse’

Balita - - Balita - Mary Ann Santiago

Dumulog sa awtoridad ang isang 33-anyos na negosyante matapos mabiktima ng “BasagKotse” gang sa Sta. Mesa, Maynila, nitong Miyerkules.

Ayon kay Reymundo Caraig, ng Narciso Street, Pandacan, Maynila, tinangay ng mga suspek ang kanyang bag na may lamang laptop at iba pang mahalagang gamit na ‘ di pa batid ang eksaktong halaga.

Ipinarada umano ni Caraig ang kanyang Toyota Fortuner (PIU-764) malapit sa entrance ng LRT- Pureza station, sa Ramon Magsaysay Boulevard sa Sta. Mesa, ngunit nang balikan n’ya ito ay basag na ang salamin sa passenger seat at nawawala na rin ang kanyang mga gamit, dakong 11: 50 ng gabi.

Sa kuha ng closed- circuit television ( CCTV) camera, nalaman na ang suspek ay sakay sa motorsiklo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.