Binatang ama, malubha sa suicide-try

Balita - - Balita - Orly L. Barcala

Habang isinusulat ang balitang ito, nasa malubhang kalagayan ang isang 14-anyos na lalaki nang saksakin nito ang sarili sa loob ng kanilang bahay sa Valenzuela City, nitong Miyekules ng hapon.

Binigyang ng 50-50 chance na mabuhay si Rodrigo (hindi tunay na pangalan), ng Barangay Bignay, matapos isugod sa Valenzuela City Medical Center dahil sa isang saksak sa tiyan.

Ayon kay Jervy Hernandez, kaibigan ni Rodrigo, nagtungo siya sa bahay ng biktima upang kumustahin ito.

“Panay po ang katok ko sa pintuan pero walang sumasagot kaya pumasok na ako kasi hindi naman nakakandado ‘ yung pinto,” kuwento ni Hernandez.

Nasilayan umano ni Hernandez na duguan at nakabulagta ang kaibigan habang hawak ang isang patalim.

Ayon kay PO3 Maria Luisa Cassandra Pobadora, ng Women’s and Children Protection Desk ( WCPD), isang oras bago ang insidente ay nag-post si Rodrigo sa kanyang Facebook account na magpapakamatay ito.

Labis umanong sumama ang loob ng biktima sa nobyang 16anyos dahil umalis ito sa bahay at iniwan sa kanya ang kanilang anak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.