Balita

3 sugatan sa salpukan ng motorsiklo

- Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac – Dalawa pang motorsiklo ang nagsalpuka­n na ikinasugat ng tatlong katao sa Zaragoza-La Paz Road, Barangay San Roque, La Paz, Tarlac kamakalawa.

Sa ulat mula sa La Paz Police Station, kinilala ang mga sugatan na sina Allan Marcos, 14, driver ng Rusi Motorcycle (CK-4939); angkas niyang si Percival Javier, 13, ng nasabing barangay.

Sugatan din ang driver ng Kawasaki Baja Motorcycle (For Registrati­on) na si Jay Deposa, 37, ng Bgy. Pantoc, Zaragoza, Nueva Ecija.

Isinugod ang mga biktima sa La Paz Medicare and Community Hospital, ngunit kalaunan ay inilipat sina Allan at Percival sa Central Luzon Doctors’ Hospital.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines