Balita

Bebot inambush sa trabaho

- Fer Taboy at Mary Ann Santiago

Patay ang isang babae makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa Rodriguez, Rizal kamakalawa.

Sa ulat na ipinaratin­g kay Chief Supt. Guilermo Eleazar, director ng Police Regional Office (PRO) 4A, kinilala ang biktima na si Marilou Villarin, nasa hustong gulang, floor manager sa isang resto bar sa Barangay Manggahan sa Rodriguez.

Sa imbestigas­yon ng Rodriguez Municipal Police Station (RMPS), naganap ang pamamaril sa tapat ng bar na pinagtatra­bahuhan ng biktima, dakong 11:55 ng gabi.

Matapos matiyak na napuruhan ang biktima, agad humarurot ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.

Nagsasagaw­a na ng follow up operation ang awtoridad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines