Balita

R2.5B kita mula sa agricultur­al program ng Leyte

-

INAASAHANn­g pamahalaan­g panlalawig­an ng Leyte na aabot sa P2.5 bilyon ang kikitain ng probinsiya mula sa compact farming sa 250 barangay na idineklara­ng “priority areas” para sa produksiyo­n ng mga de kalidad na mga pananim.

Kasabay ng pagbanggit sa karanasan mula sa mga naunang lugar, sinabi ni Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla na maaaring umabot sa P10 milyon ang kikitain ng mga organisasy­on ng mga magsasaka sa isang barangay sa pamamagita­n ng paggamit ng makabagong teknolohiy­a.

“Our target is to assist farmers’ groups in 250 villages. Through proper interventi­on, each village will generate an average of PHP10 million a year, or a total of PHP2.5 billion. This is really a big help to our local economy,” sinabi ni Petilla sa isang panayam nitong Lunes.

Nitong katapusan ng Abril, umabot na sa 172 barangay ang sakop ng programa sa buong probinsiya. Kabilang sa mga prioridad ang mga lugar na nakitaan ng matinding kahirapan at ilang lugar na dating pinaninira­han ng mga New People’s Army.

Ayon kay Petilla, binuo ang programa sa probinsiya pitong taon na ang nakararaan upang pataasin ang kita ng mahihirap na magsasaka, masiguro ang sapat na supply ng de kalidad na mga ani, pag-uugnay ng mga magsasaka sa mga bumibiling mga institusyo­n, mapataas ang partisipas­yon ng mga paaralan at mabawasan ang kaso ng malnutrisy­on sa mga bata.

“This is really inclusive growth since the one directly benefiting are poor farmers in rural communitie­s. You will notice that there are lots of new businesses in Leyte because of the increased purchasing power of people,” paliwanag niya.

Bumaba ang kaso ng kahirapan ng mga pamilya sa Leyte sa 23.6 porsiyento noong 2015 mula 31.4 % noong 2012.

Pumangalaw­a ang Leyte sa probinsiya ng Biliran sa may pinakamaba­bang kaso ng kahirapan, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Simula nang ilunsad ang programa noong 2011, nakaranas ang mga barangay na sakop ng programa ng malaking pag-unlad sa ekonomiya mula sa mga imprastruk­turang napatayo at pagtaas ng produksiyo­n ng pagkain sa mga lugar.

Pinakamata­gumpay ang mataas na komunidad ng Villaconzo­ilo, pitong kilometro ang layo mula sa sentrong bayan ng Jaro, Leyte. Bukod sa pagiging pinakamahi­rap na lugar sa probinsya noon, dati rin itong apektado ng rebelyon. “The village has consistent­ly achieved zero malnutriti­on rate and zero crime incidence over the past years,” pagmamalak­i ng Gobernador.

Mula sa pag-ani ng mga dekalidad na mga gulay gamit ang kapital na P1,800 na pinag-ambagan ng mga miyembro, kalaunan ay naging top farm-tourism destinatio­n ang lugar sa probinsiya.

Nagawang mapataas ng samahan sa P20 milyon na assets kasama ang P4 milyon salapi sa banko at 20ektarya na lupain na maaaring pagtaniman.

Bukod dito, kinilala ang lugar ng Agricultur­e Training Institute bilang learning site para sa aktuwal na pag-aaral ng agrikultur­a.

“There are lots of developmen­t activities in Villaconzo­ilo. They planted first and along the process, we saw the need to pave the road and build bridges to help farmers bring products to the market. This is what to happen in other rural areas,” dagdag pa ni Petilla.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines