Balita

Ginagarote na si DU30

-

NAGTAASna naman ang mga dambuhalan­g kumpanya ng langis ng presyo ng kanilang produktong petrolyo. Sa gasolina, P1.60 bawat litro, sa diesel, P1.15 at P6.10, sa liquified petrolium gas. Dahil dito, naiulat na ang presyo ng gasolina sa Palawan ay pumalo na sa P70 kada litro. Nagpetisyo­n na ang iba’t ibang samahan ng mga tsuper para sa karagdagan­g singil sa pamasahe. Ang Light Railway Transit (LRT), na nasa pribadong kamay na pala ang pamamahala, ay sumabay na rin sa pagsampa ng kahilingan na makasingil ng karagdagan­g pamasahe. Karagdagan­g singil din ang nakaamba nang kubrahin ng Meralco.

Hindi kaya napupuna ni Pangulong Duterte na hinihigpit­an na ang lubid sa kanyang leeg. Ang lubid na ito ay ang Oil Deregulati­on Law na likha mismo ng ating mga lider. Ito ang nagbibigay ng laya sa mga banyagang kumpanya ng langis sa pagpepresy­o ng kanilang produkto.

Kaya, wala na umanong magagawa ang Energy Regulatory Board, sa kahilingan­g dito na kontrolin ang presyo ng produktong petrolyo, dahil sa nasabing batas.

Binabatiko­s ng Amerika ang tinatawag nitong patuloy na militarisa­syon ng China sa pinagaagaw­ang mga teritoryo sa West Philippine Sea. Nababahala na ang Amerika sa ginawa kamakailan ng People’s Liberation Army Air Force na maglagpag ng mga long-range bomber sa unang pagkakatao­n sa lugar. May 3,520 combat radius ang mga nasabing long-range bomber na kayang pasabugin ang kabuuan ng Southeast Asia mula sa Woody Island. “Nasa tipping point ang kontrol ng China sa South China Sea,” wika ni Adm. Phil. Davidson, ang bagong pinuno ng U.S. Pacific Command. Magagamit na, aniya, ito para hamunin ang presensiya ng Amerika sa rehiyon at madaig ang military forces na iba pang umaangkin sa South China Sea.

Pero, ano ang posisyon ng Pangulo sa ginagawa ng China? “Ang igiit ang soverenia ng Pilipinas sa West Philippine Sea na 370 radius kilometer exclusive economic zone sa South China Sea ay nangangahu­lugan ng gulo na hindi kaya ng mga Pilipino,” sabi niya. Kaya, sa Kano, naging posible ang ginagawa ng China, lalo na ang militarisa­syon sa West Philippine Sea ay dahil hinahayaan o kinukunsin­ti ito ng Pangulo.

Hindi na niya ipinaglaba­n ang napanaluna­n ng bansa sa Permanent Court of Arbitratio­n sa Hague na nagpasyang walang karapatan dito ang China. Hindi naman kailangang makipagdig­maan ka sa China. Ang makiisa sa mga bansang umaangkin din sa lugar o kahit hindi umaangkin, pero may interes ang mga ito para sa freedom of navigation, sa paggawa ng matinding pagtutol sa ginagawa ng China ay sapat na. Malaking bagay ang world opinion.

Sa ilalim ng Oil Deregulati­on Law mula nang maging epektibo ito, pinakamala­ki na ang itinaas ngayon ng mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang produkto. Itataas pa nila ito. Isa sa mga paraan ito para lalong ma-destabiliz­e ang administra­syong Duterte. Kasi, patitindih­in ng mataas na presyo ng petrolyo ang kagutuman at kahirapan. Tataas ang presyo ng mga bilihin at pangunahin­g pangangail­angan. Ang mangyayari ay itong sinabi ng tsuper na nakapanaya­m ko tungkol sa epekto ng pagtaas ng presyo ng krudo: “Wala na akong maiuwing kita sa aking pamilya, sasama na lang ako sa mga nagpoprote­sta”.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines