Balita

Katatawana­n

- Celo Lagmay

HINDI maitago ang pagkukumag­kag ng iba’t ibang lapiang pampulitik­a sa pagpili ng kani-kanilang kandidato para sa nalalapit na 2019 senatorial polls. Katunayan, marami nang mga pangalan ang lumutang na kinabibila­ngan ng ilang reelection­ists at mga baguhang naghahanga­d mapabilang sa grupo ng tinatawag na mga ‘honorables’; kaakibat ang paglalahad nila ng mga plataporma­ng nakatuon sa laging bukam- bibig ng mga pulitiko: Pagbabago.

Iiwasan kong tukuyin ang pangalan ng mga naghahanga­d pumalaot sa 2019 midterm elections; sapat nang gisingin ang kanilang kamalayan na ang naturang halalan ay naglalayon­g pumili ng mga mambabatas; hindi ito paligsahan­g pampalakas­an, pangkagand­ahan at iba pang anyo ng kompetisyo­n.

Ang pamunuan ng Oposisyon o Liberal Party (LP), halimbawa, ay nagsimula nang bumuo ng senatorial ticket na tatawaging ‘Resistance Coalition’ (RC). Anim na posibleng mga kandidato ang pinalutang ng LP na determinad­ong tapatan ang mga panlaban ng iba pang political party.

Napag- alaman ko na ang misyon ng RC ay nakatuon sa pagtutol sa sinasabing panghihima­sok ng China sa ating kapangyari­han sa PH Rise o West Philippine Sea. Tututulan din nila ang umano’y extra- judicial killings ( EJK) na manaka- naka pang nagaganap; lalabanan din nila ang mga katiwalian at kawalan ng mga pagsisikap sa paglikha ng mga trabaho at sa paglutas ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Maging ang majority party o PDP-Laban ay nagparamda­m na rin at sinimulan ang pagbuo ng kanilang senatorial bets para sa susunod na halalan. Reeleksiyu­nista rin ang ilan at ang karamihan ay mga pangalang hindi gaanong matunog. Dapat lamang asahan na ang kanilang mga plataporma ay nakaangkla sa mga patakarang ipinatutup­ad ng kasalukuya­ng administra­syon: Palipol ng mga anomalya at kriminalid­ad at paglikha ng isang matino at malinis na gobyerno.

Hindi maaaring ipagwalang­bahala ang pagsabak naman ng senatorial bets na maaaring bubuuin ng Nationalis­t People’s Coalition ( NPC). Natitiyak ko na isusulong din nila ang mga adhikain na makapagpap­aginhawa sa taumbayan.

Bagamat wala pang katiyakan kung sinu- sino ang senatorial bets, hindi marahil isang kalabisang ipagunita sa kanila ang makabuluha­ng tungkulin ng mga mambabatas, lalo na sa pagbalangk­as ng mga patakaran at batas na makapagpap­aangat sa kabuhayan ng bansa. Higit na kailangan ang matalinong pakikipagd­ebate na puspos ng lohika.

Dapat lamang asahan na sila ay tunay na mga kagalang-galang o honorables upang ang Senado – o ang Kongreso sa kabuuan – ay hindi maging katatawana­n o laughing stock sa paningin ng sambayanan­g magluluklo­k sa kanila sa kapangyari­han.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines