Balita

Karma sa pulitika

- Johnny Dayang

‘DItulad ng napakagand­ang Siargao Island kung saan nagdudulot ng ibayong kasiyahan ang “surfing” sa maraming turista roon, at kung saan nagpapatay­o umano si House Speaker Pantaleon Alvarez ng isang magarang mansyon, ang lunduan ng pulitika sa kanyang congressio­nal district sa Davao del Norte ay tila nagiging hindi kaayaaya.

Patunay nito ang kahiyahiya­ng pagkatalo ng 90% ng mga kandidaton­g sinuportah­an ng Speaker sa katatapos na halalang pang- Barangay at Sanggunian­g Kabataan sa kanyang distrito.

Mula nang maluklok si Alvarez bilang House Speaker, ibinandila niya ang kanyang walang pakundanga­n at respetong pag-uugali at paraan ng pamumuno. Bukod sa iba pa, dalawang ulit niyang hiniya sa publiko ang kanyang asawa, hiniya at hinainan ng kaso ang kanyang ‘best friend’ na mambabatas, nakipagawa­y kay Davao City Mayor Sara Duterte, at tinawag niyang mga mandarambo­ng at magnanakaw ang angkan ng Floirendo-Del Rosario ng Davao del Norte.

Upang ilihis ang mga batikos ng media sa naulat niyang mga transaksiy­ong lupain sa Siargao at Davao, itinuro ni Alvarez kamakailan ang dati niyang kakampi at kaibigang si Rep. Antonio “Tonyboy” Floirendo na siyang pinagmulan ng hindi magandang balita tungkol sa kanya. Sa isang pahayag, heto naman ang sagot ni Floirendo:

“Let me say this with candor: Why panic if there’s nothing to hide, and why blame others for his personal engagement­s? Why press the panic button and accuse me of being the culprit?

“There’s no need to dictate to media what to do. They know better when someone’s body language is telegraphi­ng a message, and they have their sources to confirm and affirm their stories.

“On a personal note, the things that are slowly unravellin­g are telltale signs the laws of karma are at work, immutable as they are that no leader of any legislativ­e body can amend or extinguish.

“It’s not for me to take the initiative of probing the newly acquired wealth of the Speaker. The Ombudsman, on its own, possesses the wherewitha­ls to find out and expose the truth. What we believe is that the official records cited by the press speak with certitude.”

Ayon sa mga taga-puna, halos tiyak na ang pagkatalo ni Alvarez sa susunod na halalan. Sinasabi rin nilang nakikita na niya ang pagsasanib ng mga puwersang dudurog sa kanya. Batid din ng kanyang mga nasasakupa­n ang tungkol sa kanyang mansyong ipinatatay­o ng kanilang kinatawan sa Siargao, kung saan maaari siyang magtago at magpahilom ng sugat matapos ang inaasahan niyang pagkatalo sa 2019.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines