Balita

Nora N Aunor, allergic sa surprises

-

NAPANOOD N namin ang video ng surprise birthday party na ibinigay ib kay Nora Aunor ng production staff ng bagong bago primetime series ng GMA-7 G na Extraordin­ary Love habang nagti-taping ang superstar noong May 23 23. Kita ang gulat ni Nora nang pagpasok niya sa tent ay kinantahan siya ng birthday song at binigyan pa ng flowers ni Cherie Gil. Hindi natuloy pumasok sa tent si Nora nang marinig ang “Happy Birthday” song sa pangunguna ni Direk Gina Alajar. Agad itong tumalikod, hinabol lang at pinilit papasukin sa tent. Narinig ang sinabi ni Nora na “ayoko ng surprises,” pero wala na siyang magawa dahil nakahanda na ang lahat pati mga pagkain at siya na lang ang kulang. Later on, makikitang sumasabay na ring kumanta si Nora sa mga kasama sa primetime series.

Nalilito pala kami sa title ng teleserye na tinatampuk­an ni Nora dahil Extraodina­ry Love pa rin ang ginamit na title ni Direk Gina pero sabi ng mga taga-GMA-7 Onanay na ang title nito.

Sa June ang pilot ng teleserye at doon natin malalaman ang final title nito, kung Extraordin­ary Love pa rin o Onanay na. Ang original title nito ay Unanay at malalaman ng mga manonood kung bakit.

 ??  ?? Nora
Nora

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines