Balita

Tom Rodriguez, enjoy sa action scenes

-

GABI- GABI ay lalong nagiging kaabangaba­ng ang primetime series na The Cure dahil sa maaaksiyon­g eksena. Sa isang interview kay Tom na gumaganap bilang Greg, ipinagmala­ki niya na wala siyang double maging sa mahihirap na action scenes dahil enjoy siya sa ginagawa niya.

Maingat naman daw siya at nagpapahin­ga kung kailangan bago mag-take para maayos na ma-execute ang stunts.

Samantala, dahil sa patuloy na pagkalat ng monkey virus disease ay parami nang parami ang infected at mangangani­b na ang Tent City. Inaabangan kung paano maililigta­s nina Greg ( Tom), Charity ( Jennylyn Mercado), at Hope ( Leanne Bautista) ang sarili nila. Tumutok lang sa The Cure pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

 ?? Tom ??
Tom

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines