Balita

Metuda, hinamon sa rematch si Arakawa

- Gilbert Espeña

MALAKI ang paniniwala ni Filipino boxer Rimar Metuda na dapat siyang nanalo nang hamunin ang Hapones na si Nirito Arakawa para sa WBO Asia-Pacific lightweigh­t belt ngunit nagtabla sila nitong Sabado ng gabi sa Ota-City General Gymnasium sa Japan.

Idineklara­ng 12-round majority draw ang sagupaan nina Metuda at Arakawa sa mga iskor na 114-114, 114114 at 116-112 pero naniniwala ang maraming nakasaksi sa laban na ang Pinoy boxer ang nanalo sa sagupaang undercard ng pag-agaw ni Hekkie Budler ng South Africa sa WBA at IBF light flyweight titles ng dating kampeong si Ryoichi Taguchi ng Japan.

“I won the fight. I got robbed. I want rematch. I thought I did enough to win the fight,” sabi ni Metuda sa Philboxing.com.

Malaki ang mawawala kay Arakawa kung natalo kay Metuda dahil nakalista siyang No. 2 contender kay WBO 135 pounds champion Ray Beltran ng Mexico at ranked No. 13 kay bagong WBA lightweigh­t titlist Vasyl Lomachenco ng Ukraine.

Tulad ni Metuda naniniwala ang big boss ng Sanman Promotions na si Jim Claude “JC” Manangquil na si Metuda ang dapat idineklara­ng nagwagi sa sagupaan.

“Metuda did really well in the fight. I thought he won the fight,” sabi ni Manangquil na hihiling ng rematch ng dalawang boksingero.“We will try to get a rematch with Arakawa.”

Napaganda ni Arakawa ang kanyang rekord sa 316-2 na may 18 panalo sa knockouts samantalan­g may kartada ngayon si Metuda na 12-3-1 win-loss-draw na may 7 panalo sa knockouts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines