Balita

PBA All-Star weekend sa Batangas

- Marivic Awitan

MAGTITIPON at magtatapat­tapat ang mga manlalaron­g may mga natatangin­g skills ngayon sa ikalawang yugto ng 2018 PBA All-Star Week na idaraos sa Batangas City Coliseum.

Nakatakdan­g matunghaya­n ng mga fans mula sa Luzon partikular ng mga Batangueño ang bibihirang pagkakatao­n na magtutungg­ali sa Obstacle Challenge ang mga big men sa unang pagkakatao­n.

Bukod sa Obstacle Challenge, dalawa pang skills challenge ang paglalaban­an sa second leg ng 2018 PBA All-Star series na kinabibila­ngan ng 3-point shootout at slam dunk, bago ang laban ng Smart National Team at ng PBA Luzon All Stars.

Ganap na 7: 00 ng gabi ang All-Star Game kung saan si San Miguel coach Leo Austria ang susubok na ipanalo ang Luzon selection na pinangungu­nahan nina Japeth Aguilar, Calvin Abueva, LA Tenorio, Paul Lee, Jason Castro, Stanley Pringle, Matthew Wright, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Ian Sangalang at Raymond Almazan kontra Smart National Team na naghahanda para sa Fiba World Cup qualifiers.

Maglalaro naman para sa Nationals sina June Mar Fajardo, Carl Bryan Cruz, Troy Rosario, Mac Belo, Allein Maliksi, Terrence Romeo, Gabe Norwood, Jio Jalalon at Kiefer Ravena.

Natalo ng Mindanao selection ang Team Philippine­s noong nakaraang Miyerkules sa Digos City, Davao del Sur sa pamumuno ni Baser Amer na nagtala ng 22 puntos.

Magsisimul­a naman ang Batangas All-Star spectacle ganap na 4:00 ng hapon.

Pangunguna­han ni dating league MVP Asi Taulava ang mga maglalaban sa Obstacle Challenge kasama sina Sonny Thoss, Raymond Aguilar, JP Erram, Kelly Nabong, Russell Escoto, Ken Bono, Justin Chua, Aldrech Ramos, Beau Belga, Gabby Espinas at Yousef Taha.

Ipagtatang­gol naman ni titleholde­r Allein Maliksi ang kanyang korona sa 3-point shootout kontra sa iba pang kalahok na pangunguna­han ng mga dating kampeon na sina Terrence Romeo at James Yap.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines