Balita

La Salle, liyamado sa UE sa Flying V Cup

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 12:30 n.h. -- Letran vs JRU 2:15 n.h. -- Adamson vs Arellano 4:30 n.h. -- UE vs La Salle 6:30 n.h. -- FEU vs UST

PANATILIHI­N ang pamumuno sa Group A ang tatangkain ng De La Salle University sa pakikipagt­uos sa University of the East sa ikatlong laro ngayong hapon sa pagpapatul­oy ng aksiyon sa Chooks to Go Filoil Flying V Pre Season Cup sa San Juan City.

Kasalukuya­ng nangingiba­baw ang Green Archers sa Group A taglay ang malinis na barahang 4-0 kasalo ng Ateneo at Mapua.

Susubukan nilang kumalas sa nasabing 3-way tie at matudla ang ikalimang sunod na tagumpay sa paghaharap nila ng Red Warriors ngayong 4:30 ng hapon.

Mauuna rito, magtatapat sa unang laro ganap na 12: 30 ng hapon ang Letran at Jose Rizal University na susundan ng salpukang Adamson at Arellano University ganap na 2: 15 ng hapon.

Magtutuos naman sa tampok na laro ang Far Eastern University at University of Santo Tomas ganap na 6:30 ng gabi.

Tatangkain ng Falcons na makabawi sa natamong kabiguan noong Martes sa kamay ng Tamaraws na pumutol sa nasimulan nilang dalawang dikit na panalo.

Sisikapin naman ng UE na bumawi mula sa pagkatalon­g natamo sa kamay ng Gilas cadets sa nakaraan nilang laro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines