Balita

Aga at Bea, type makatambal ang isa’t isa

- Aga –Regee Bonoan

ILANGaraw pa lang sa Pilipinas si Aga Muhlach galing sa shooting ng pelikula nila ni Alice Dixson sa Nuuk, Greenland na produced ng Viva Films sa direksiyon ni Roni Velasco pero paalis uli siya patungo namang Vancouver, Canada

Ang post ni Aga sa Instagram nitong Huwebes ng gabi, “# itshappeni­ng# excitingti­mes # vancouver #starcinema #vivafilms See you all soon!”

Nag- storycon na siya para sa pelikulang gagawin nila ni Bea Alonzo co-produce naman ng Star Cinema at Viva Films sa direksiyon ni Paul Soriano.

Hmmm, curious kami kung bakit hindi coproducer ang Ten17 Production­s na pag-aari ni Direk Paul dahil sa pagkakaala­m namin kapag siya ang direktor ay automatic na isa siya sa producers.

Hindi kasi nabanggit nabanggi ni Aga sa post ang Ten17Produ­ctions.

Samantala, nauuso nang sa ibang bansa nagsushoot ng mga pelikula dahil base raw sa survey ay ito gusto ng moviegoers. Dahil habang pinapanood nila ang pelikula, para na rin silang nakarating sa ibang bansa, bago sa paningin ang mga tanawin.

Kaya lang, hindi naman lahat ng pelikulang kinunan sa ibang bansa ay kumikita kaya malaking sugal pa rin sa producers ang pagpoprody­us.

Naalala tuloy namin ang pelikulang napanood namin kamakailan na ang gaganda sana ng ipinakitan­g tourist spots pero nakakahina­yang na hindi gaanong maganda ang kuwento at hindi rin

sikat ang mga bida. Kaya ang ending, nag suffer ito sa takilya.

Iba pa rin kasi kapag kila ang mga bidang artista dahil may followings okaya'y magagaling umarte at higit sa lahat, kung mahusay ang direktor.

Naging inspirasyo­n ng lahat ang indie movie na Kita Kita na hindi man kalakhan ang mga artista at baguhan ang direktor ay gumawa ng record sa box-office.

Going back to Aga, ngayon lang sila magtatamba­l ni Bea na umaming gustong - gusto siyang makasama at lahat ng pelikula niya pinapanood nito.

Magkapareh­o naman sil makasama ni Aga si Bea at rito.

Ang taray ng Viva Film, puro out of the country ang mga pelikula tulad nitong Sid & Aya na sa Japan naman kinunan at mapapanood na sa Mayo 30.

Isusunod naman ang Aga-Alice na sa mamahaling bansa rin kinunan bagamat wala pang playdate.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines