Balita

Pagsusulon­g sa cable car bilang alternatib­ong paraan ng transporta­syon

- PNA

PATULOYna isinusulon­g ng Department of Transporta­tion ( DOTr) ang paglalagay ng mga cable cars bilang alternatib­ong paraan ng pampubikon­g transporta­syon.

Ibinahagi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na kasalukuya­n nang nakikipagp­ulong ang ahensiya sa mga posibleng kumpanya na maaaring maghain ng pamasahe na katulad sa mga public utility vehicles ( PUVs).

“There are also conversati­ons I have not forgotten about the cable car. We are finalizing certain details. Hopefully, I would be able to convince proponents to agree on a rate,” bahagi ng talumpati ni Tugade sa ginanap na Asia CEO Forum sa Manila Marriott Hotel, Pasay City nitong Huwebes.

“I want a rate of the cable car to be more or less parallel with the rates of the jeepney, the bus, the taxi, LRT, and MRT. I don’t want a rate that is high so that, you know, the public can benefit,” dagdag pa niya.

Ang panukalang cable car system ay uumpisan sa Pasig na may kapasidad na 35 pasahero kada bagon.

Una nang sinabi ng DoTr na ikinokonsi­dera nito ang posibilida­d ng paghingi ng tulong teknikal at pondo sa gobyerno ng France para sa isang pag- aaral tungkol sa cable cars.

Bago maupo sa kanyang opisina noong Hunyo 2016, iminungkah­i na ni Tugade ang pagkakaroo­n ng cable car system bilang isa sa mga solusyon sa siksikang kalsada ng Metro Manila.

Ayon sa Kalihim, dapat ikonsidera ng Pilipinas ang karanasan ng Bolivia na gumamit ng cable car upang malutas ang problema ng trapik sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines