Balita

Priyanka Chopra, nanawagan ng tulong para sa Rohingya

-

DHAKA( Reuters) – Nanawagan nitong Huwebes ang Bollywood actress at UNICEF goodwill ambassador na si Priyanka Chopra sa internatio­nal community na paigtingin ang suporta para sa kababaihan at mga batang Rohingya na tumakas sa Bangladesh dahil sa pagtugis ng militar sa Myanmar.

Ang tugon ng militar sa pag- atake ng mga rebelde sa police posts at isang army base sa northern Rakhine state noong Agosto ang nagtaboy sa halos 700,000 Rohingya Muslim sa hangganan patawid sa Bangladesh. Inakusahan ng marami sa kanila ang security forces ng pagpatay, panggagaha­sa at panununog.

“Every child deserves a future, an opportunit­y to contribute to humanity,” ani Chopra sa news conference sa Dhaka matapos ang apat na araw na pagbisita sa Rohingya refugee camps sa Cox’s Bazar sa dulong katimugan ng Bangladesh.

“Refugee children are the world’s responsibi­lity because they don’t have anywhere to go. They don’t have anything they can call their own,” aniya. Inilarawan ng United Nations na “ethnic cleansing,” ang military crackdown. Itinanggi ito ng Myanmar at sinabi na ang ginagawa ng security forces ay legitimate counter- insurgency operation laban sa “terrorists”. H in i mok ni Chopra ang internatio­nal community na talakayin ang isyu ng mga batang Rohingya na naniniraha­ng salat sa basic rights sa pagkain, malinis na tubig, tirahan, proper sanitation at edukasyon. “There’s so much more to be done. They need your money, time, compassion,” aniya. Inilunsad ng United Nations nitong Marso ang apela para sa $ 951 million na ayuda sa Rohingya refugees, ngunit wala pang 20 porsiyento ng pondo ang nalilikom.

 ??  ?? Priyanka
Priyanka

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines