Balita

Meghan, sasailalim sa 6-months training bilang duchess

-

NAGKATOTOO­kay Meghan Markle ang kuwento sa Princess Diaries. Sa pagsisimul­a ng kanyang buhay bilang bagong Duchess of Sussex, pagkatapos ng kasal nila ni Prince Harry ng Britain noong Mayo 19, sasailalim siya sa pagsasanay kung paano maging isang royalty. Iniulat na binigyan ni Queen Elizabeth ang kanyang bagong granddaugh­ter-in-law ng six months of royal lessons — na ituturo ng mismong private secretary ng reyna.

Ayon sa Times, ang senior palace adviser na si Samantha Cohen, 49, ang inatasang magturo kay Meghan, 36, ng lahat ng mga dapat nitong matutuhang bilang Duchess of Sussex. Binanggit ng Daily Mail na minsang tumanggi si Cohen na imbitahan si Victoria Beckham sa palace party sa katwirang “being rich is not enough” para maimbitaha­n.

Si Cohen — isang Australian na nagsilbing assistant private secretary ng reyna nang dumating siya sa Buckingham Palace noong 2001 ay iniulat na magiging private secretary na ni Prince Harry. At tuturuan niya si Meghan ng ins and outs of royal life. Kabilang sa kanilang lessons ang traveling and pakikipagp­ulong sa iba’t ibang charities. Iniulat na game sa bago niyang tungkulin ang bagong duchess.

“It will be six months of listening,” sabi ng isang palace source sa Times. “She is seeking out advice on a range of people. She is going to proceed with humility. It is not going to be quiet, though. It’s going to be a very busy office.”

Ngunit dahil hindi isinilang sa royal life si Meghan, at “worked every day of her life,” hindi nababahala ang bagong duchess tungkol sa mapaghamon­g schedule na kakailanga­nin para sa lessons na ito.

 ??  ?? Meghan
Meghan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines