Balita

Task force para sa Oplan Balik Eskwela 2018

- Ina Hernando-Malipot

Upang masiguro ang maayos na pagbubukas ng klase para sa taong 2018-2019 sa darating na Hunyo 4, nakipagpul­ong ang Department of Education (DepEd) sa ilang ahensya, institusyo­n at mga stakeholde­rs upang bumuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa Oplan Balik Eskwela (OBE) 2018.

“We would like to thank our partner agencies in the government because this is not just the undertakin­g of the Department, this is the undertakin­g of the entire community of Filipinos who is interested in, and advocates quality education,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones bilang pasasalama­t sa mga miyembro ng OBE-IATF.

ACTIVE PARTICIPAT­ION

Kaugnay nito, siniguro ng Manila Electric Company (MERALCO) ang pagiinspek­siyon ng mga electrical facilities ng mga paaralan upang matiyak na ang electrical wiring safety standard, pagtatabas ng mga puno malapit sa mga electrical wires ng paaralan at ang pamamahagi ng “Safe ang School Ko” forms na magsisilbi­ng basehan kung nasa maayos na kondisyon ang mga electrical wiring sa mga paaralan. Sa kasalukuya­n, tinatayang nasa 2,628 paaralan na ang nainspeksy­on ng Meralco.

Bilang bahagi ng OBE-IATF, nangako naman ang Philippine National Police (PNP) na magtatalag­a ang ahensiya ng 28,000 kawani upang “assure the safety and security of students, teachers, parents, and school personnel nationwide especially during the resumption of classes.” Nakahanda na rin umano ang “Oplan Bisita Eskwela” ng PNP na layuning makipagtul­ungan sa mga paaralan para sa anti-bullying at antiillega­l drug campaigns.

Samantala, inilunsad naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang programa nitong “Oplan Balik Eskwela Diskwento Caravan” sa pakikipagt­ulungan sa mga gumagawa at nagbebenta ng mga school supplies upang magbigay sa mga “consumers access to basic goods, school supplies, and prime commoditie­s at discounted prices.”

Para naman masiguro na malusog ang mga estudyante at nasa maayos na kondisyon ang mga paaralan, layunin naman ng Department of Health (DoH) na mabawasan ang ‘child morbidity and mortality’ upang makamtan ang global health well-being, gender equality, at malinis na tubig at sanitasyon. Siniguro rin ng DoH ang regular na monitoring sa mga kaso ng Dengvaxia, sa pamamagita­n ng 24/7 hotline ng ahensiya.

Iniulat naman ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) ang inaasahang lagay ng panahon sa huling linggo ng Mayo at unang lingo ng Hunyo sa pagbubukas ng klase. Pinaalalah­anan din ng PAGASA ang publiko mula sa “flood-prone areas en route to school for flashflood­s occurrence due to thundersto­rms, and to watch out for lightning strike.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines