Balita

Frayna, kampeon sa rapid at blitz ng PNG chess

-

CEBU CITY -- Nakabawi sa kabiguan sa standard chess event si First Filipina Woman Grandmaste­r Janelle Mae Frayna ng Albay Province matapos makopo ang blitz compettion sa 2018 Philippine National Games.

Ang 21-year-old Frayna, cum laude psychology graduate ng Far Eastern University, ay kumuha ng dalawang ginto sa rapid at blitz competitio­n sa chess na ginanap sa Robinson Galleria Cebu.

Naibulsa niya din ang silver medal sa Standard competitio­n na pinagharia­n naman ni Woman Internatio­nal Master Catherine Perena-Secopito ng Bulacan.

Sa katunayan si Perena-Secopito ay tubong Albay Province subalit kinatawan ang Bulacan Province.

Si Frayna, ang first Filipina na naging WGM at naka abot ng 2300 Elo rating ay magtutungo sa Europe para sa pagtatangk­a ng mas mataas na titulo at mas marami pang karangalan na mabigay sa bayan sa darating na Hulyo sa paglahok sa limang torneo sa European circuit sa Spain, the Netherland­s, at Belgium bago ang kampanya niya sa Malaysian Open Chess Festival.

Sa isang panayam kay National Master Carlo Lorena, spokespers­on ng Albay Province chess team , inaasahan si Frayna kasama sina Grandmaste­r John Paul Gomez at Grandmaste­r Jayson Gonzales na makakatang­gap ng cash incentive mula kay Albay Governor Al Francis C. Bichara dahila sa kanilang latest achievemen­ts.

“We are very proud with impressive performanc­e of (WGM) Janelle Mae (Frayna). She came a long way to achieve this feat. You have placed the Albay Province in the chess sports map,” sabi ni National Master Carlo Lorena.

Si Gomez ang nagbigay ng first gold medal para sa Albay Province matapos magkampeon sa Standard competitio­n na sinundan naman ni Gonzales na naghari sa rapid competitio­n.

Over-all, ang Albay Governor Al Francis C. Bichara Chess Team ay humakot ng four gold at one silver na hinirang bilang winningest Province sa chess.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines