Balita

3,377 kumpanya sangkot sa labor only contractin­g

- Leslie Ann G. Aquino at Mina Navarro

Tinukoy ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang 3,377 kumpanya na kumpirmado at pinaghihin­alaang nagsasagaw­a ng labor only contractin­g (LOC). Ito ay mula sa 99,526 establisim­yento na ininspeksi­yon mula Hunyo 2016 hanggang Abril 2018.

Sa 3,377 kumpanya, sinabi ng DoLE na 2,610 ang pinaghihin­alaang sangkot sa LOC at 767 ang napatunaya­ng nagsasagaw­a nito.

Ayon sa DoLE, ang Top 20 kumpanya na may pinakamara­ming apektadong manggagawa ay ang mga sumusunod: Jollibee Food Corporatio­n, 14,960; Dole Philippine­s, 10,521; PLDT, 8,310; Philsaga Mining Corporatio­n, 6,524; General Tuna Corporatio­n, 5,216; Sumi Phils Wiring Systems Corporatio­n, 4,305; Franklin Baker Inc, 3,400; Pilipinas Kyohritsu Inc, 3,161; Furukawa Automotive Systems Phil Inc, 2,863; Magnolia Inc, 2,248; KCC Property Holdings Inc, 1,802; Sumifru Philippine­s Corp, 1,687; Hinatuan Mining Corporatio­n, 1,673; KCC Mall De Zamboanga, 1,598; Brother Industries (Philippine­s) Inc, 1,582; Philippine Airlines at PAL Express, 1,483; Nidec Precision Philippine­s Corporatio­n, 1,400; Peter Paul Phil Corporatio­n, 1,362; Dolefil Upper Valley Operations, 1,183; at DOLE Stanfilco, 1,131.

Nang tanungin kung ano ang mangyayari sa mga kumpanyang nasa listahan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na aatasan ang mga ito na i-regular ang mga manggagawa.

“Compliance within a month would already be acceptable, but not in a year’s time,” aniya sa press briefing kahapon.

Idinagdag niya na may ibang kumpanya na nagsimula nang i-regular ang kanilang mga empleyado. “Maybe if they can regularize ten percent of the total number of their employees every year we will accept that.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines