Balita

Pocari at Creamline, angat sa PVL Volley tilt

-

TINULDUKAN ng Pocari Sweat- Air Force ang threegame winning run ng Balipure sa impresibon­g 25- 19, 10- 25, 25- 17, 25- 21 panalo nitong Linggo sa Premier Volleyball League ( PVL) Reinforced Conference nitong Linggo sa Batangas City Sports Coliseum.

Nanguna si Lady Bulldogs at dating National University star Myla Pablo sa Lady Warriors sa game- high21 puntos, 14 attacks, apat na blocks at tatlong service aces.

Kumana sin a American imports Arielle Love at Madeline Palmer ng 18 at 13 puntos, ayon sa pagkakasun­od para sa Pocari Sweat- Air Force na tumabla sa kanilang karibal, 3- 2.

“Nakatsamba lang kami, siguro nagsabay- sabay na magkaroon ng teamwork,” sambit ni Pocari Sweat- Air Force coach Jasper Jimenez. “’Yung first set namin maganda ang nilaro, ang pangalawa siguro na- overconfid­ent lang. Buti nakabalik kaagad kami.”

Tumipa si American imports Janisa Johnson at Alexis Matthews sa naiskor na 15 at 14 puntos, ayon sa pagkakasun­od, habang nagambag si Alyssa Solomon ng 13 puntos..

Samantala, sinalanta ng Creamline ang Tacloban, 25-14, 27- 25, 26- 24, para masungkit ang solo top spot.

Hataw si Alyssa Valdez sa naiskor na 22 puntos, habang kumana si Thai import Kuttika Kaewpin ng 6 puntos para sa Cool Smashers ( 4- 1). Bagsak ang Tacloban sa 2- 3.

Humirit sa Fighting Waray si Thai reinforcem­ent Hyapha Amporn na may 15 puntos, habang si team captain Jovielyn Prado ay may 11 puntos.

 ??  ?? TULOY ang pagpapaabo­t ng suporta ng Philippine Volleyball Federation (PVF) sa mga estudyante sa pampubliko­ng eskwelahan, sa pagbibigay ng mga volleyball para sa kanilang programa, sa pagkakaton­g ito ang Sitio Kisoy PS-Junior High School sa mountain...
TULOY ang pagpapaabo­t ng suporta ng Philippine Volleyball Federation (PVF) sa mga estudyante sa pampubliko­ng eskwelahan, sa pagbibigay ng mga volleyball para sa kanilang programa, sa pagkakaton­g ito ang Sitio Kisoy PS-Junior High School sa mountain...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines