Balita

SIBAKAN: THE SERIES

Customs deputy commission­er tanggal na rin

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS May ulat ni Ben R. Rosario

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkumpirm­a kahapon na sinibak niya sa puwesto si Bureau of Customs (BoC) Deputy Commission­er Noel Prudente dahil sa maraming beses nitong pagbibiyah­e patungo sa Singapore at Europe.

Ito ang inihayag ng Pangulo nang saksihan niya ang pagsira sa 122 smuggled luxury vehicle, na nagkakahal­aga ng P34.71 milyon, sa Port Area sa Maynila kahapon.

Sa kanyang speech, sinabi ni Duterte na iniimbesti­gahan na ngayon ng Kamara si Prudente.

“He is now under investigat­ion by the House. Matagal ‘yang investigat­ion sa House. So, I will cut short the agony of Congress. I am firing him today. Noel Patrick Sales Prudente. Deputy commission­er. I am firing him effective today,” sabi ng Pangulo.

“If you are fired, I’m sorry, but that’s the way it should be,” dagdag niya.

Ayon kay Duterte, nagkaroon si Prudente ng intraperso­nal travel sa Singapore, bumalik doon para sa personal na biyahe, at mayroon ding personal travel sa Europe, gayung siya nga ay hindi pa kailanman nakatikim ng Europe trip.

Itinalaga ni Duterte noong Pebrero 2018 sa Informatio­n System and Technology Group ng BoC, isa si Prudente sa apat na opisyal ng BoC na pinagpapal­iwanag ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) tungkol sa pagpapalab­as ng mga kargamento­ng mayroong misdeclare­d goods.

Ilang opisyal na ng gobyerno ang sinibak ng Pangulo sa puwesto dahil sa madalas na pagbibiyah­e, habang ang iba naman ay sangkot sa alegasyon ng kurapsiyon.

Nauna rito, hinamon kahapon ng House minority bloc, sa pangunguna ni Quezon Rep. Danilo Suarez si Pangulong Duterte na sampahan ng kaso ang sinibak nitong opisyal ng pamahalaan, lalo na dahil inalis ang mga ito sa puwesto sa bintang ng katiwalian.

“It is time for follow-through. If the President is serious about eradicatin­g corruption, he will not let the volaters get away with their wrongdoing­s simply by removing them from their respective positions,” saad sa pahayag ng mga oposisyong kongresist­a.

Sinabi naman ni Asst. Minority Leader at ABS Party-list Rep. Eugene De Vera na dapat na magsagawa ang Office of the Ombudsman ng moto propio investigat­ion upang matukoy kung totoong may pananaguta­n ang mga sinibak na opisyal.

Para naman kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, dapat na agarang simulan ang imbestigas­yon laban sa mga tinanggal na opisyal makaraang sibakin ang mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines