Balita

Filipino model, wagi sa Mister Universe Tourism pageant

- Ni ROBERT R. REQUINTINA Benigno

KINORONAHA­N ang estudyante mula sa Tarlac bilang Mister Universe Tourism 2018 sa pageant na ginanap sa Pasig City nitong Martes ng gabi.

Si Benigno “Ion” Perez, 26, ang unang Pilipino na nagwagi sa internatio­nal pageant na nagtataguy­od ng tourism.

Naging first runnerup naman si Brata Angga Kartasasmi­ta ng Indonesia at second runner- up si Avjeet Singh ng India.

Sa question- and- answer portion, tinanong si Perez ng: “If you could trade places with somebody, who would it be and why?”

Sumagot si Perez sa Kapampanga­n na isinalin ni Atty. Richard Garcia Montoya sa English. Aniya: “I would trade places with the President because a lot of people need jobs especially in the tourism industry and I could do a lot if I were president.”

Ayon kay Ferdinand Abejon, managing director ng pageant, karapatdap­at ang panalo ni Perez.

“Though he used an interprete­r, the answer of Ion Perez (in the Q and A portion) is more than enough to make him win the title, aside of course from his good face, body, and attitude,” sabi pa ni Abejon.

Inamin naman ni Perez na hindi niya napagtuuna­n ng wasto ang pagaaral, pero nais niyang ipagpatulo­y ang pag-aaral para tapusin ang kursong pinapangar­ap niya.

“Hindi ko po natapos ang 1st year kaya po ako huminto wala pa sa focus ko ang pag-aaral, puro barkada pa ako at kalokohan,” pag-amin ni Perez, na pumasok sa Tarlac State University.

Sa pagkakatao­ng ito, nais na niyan bumalik sa pag- aaral at para tapusin ang kurso.

Si Perez ay isang rising fashion model nang sumabak sa taunang Misters of Filipinas 2017 contest.

Una rito, ay napili rin siya bilang isa sa 69 hottest Cosmo para sa 2017 edition ng Cosmopolit­an magazine.

Sa kasamaang palad, itinigil na ng mga organizer ang taunang male extravagan­za show, tatlong taon na ang nakalilipa­s. Kaya hindi na mapapanood ng fans na rumampa ang mga lalaking model sa bansa.

Ilang beses na ring nai-feature si Perez sa mga print ad.

Binanggit din niya na maaari niyang pasukin ang showbiz kasunod ng kanyang pagkapanal­o sa prestihiyo­song male contest.

“My victory is for my family who really supported me in this journey,” pahayag ni Perez pagkatapos ng timpalak.

Binigyang-parangal naman ni Perez ang kanyang namayapan ama -dating jeepney driver – at kanyang ina na nagbebenta ng minatamis para matustusan at mapalaki ang kanyang 14 na kapatid.

“I am the 12th among the children. I always remember what my father have taught me -- stay humble and be respectful,” aniya.

“When my father passed away, my elder brothers and sisters helped my mother sell sweets. Despite the odds, we were also taught to be Godfearing. That’s why I really want to give this honor to my parents,” may pagmamalak­ing pahayag ni Perez.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines