Balita

Ravena issue, may epekto o ba sa Asian Games?

- Marivic Awitan

NAKATAKDAN­G magsagawa ng special board meeting ang PBA ngayon upang pag- usapan ang partisipas­yon ng liga sa pagbuo ng Gilas Pilipinas para sa darating na Asian Games sa Agosto 8 hanggang Setyembre 2 sa Indonesia.

Inaasahan ding mapag-uusapan ang ilang mga kasalukuya­ng problema na kinakahara­p ng liga.

Isa na rito ang doping suspension na ipinataw ng Fiba kay Gilas Pilipinas player Kiefer Ravena para alamin ang magiging epekto nito sa liga at sa national team.

Sa di sinasadyan­g pangyayari, nagpositib­o si Ravena sa tatlong banned substances makaraang pumailalim sa random drug test matapos ang laban ng Gilas kontra Japan sa second qualifying window para sa 2019 Fiba World Cup noong Pebrero.

Ang nasabing 18-month ban ay naglagay din sa alanganin sa PBA na nagsasagaw­a din ng random drug tests ngunit sakop lamang nito ang mga recreation­al drugs at wala silang sanctions para sa mga banned substances ng World Anti Doping Agency.

Bagama’t bahagi ang PBA ng FIBA dahil affiliated sila sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), walang anumang PBA rule na nilalabag si Ravena para suspindihi­n din ito ng liga.

May posibilida­d din na maging negatibo ang epekto ng suspensiyo­n ni Ravena’ sa iba pang PBA teams upang ipahiram ang kanilang mga players sa national team..

Dahil dito, masusing tatalakayi­n ang partisipas­yon ng PBA sa Asian Games.

 ??  ?? Ravena
Ravena

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines