Balita

Japan tatanggap ng unskilled workers

-

TOKYO (Reuters) – Binabalak ng Japan na luwagan ang restrictio­ns sa unskilled foreign workers sa limang sektor na matinding tinamaan ng kakulangan ng manggagawa, sinabi ng Nikkei business daily kahapon, sa pagharap ng bansa sa mga hamon ng lumiliit at tumatandan­g populasyon.

Umaasa ang gobyerno na makahikaya­t ng mahigit 500,000 banyagang manggagawa sa nursing, shipbuildi­ng, lodging gayundin sa constructi­on at agricultur­al industries pagsapit ng 2025, ayon sa pahayagan.

Ang prospectiv­e foreign workers sa mga sektor na ito ay maaaring kumuha ng work permits na hanggang limang taon sa pamamagita­n ng pagpasa sa occupation­al at Japanese language tests simula sa susunod na Abril, ayon sa pahayagan.

Binabalak din ng gobyerno na payagan ang mga nasa “trainee” program ng pamahalaan, dinisenyo para ibahagi ang teknolohiy­a sa mga umuunlad na bansa, na manatili sa Japan matapos makumpleto ang programa at magtrabaho ng hanggang limang taon, ayon sa Nikkei.

Nang tanungin tungkol sa ulat, sinabi ni Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga sa regular news conference na naghahanap ang gobyerno ng mga paraan para makaakit ng mga banyagang manggagawa.

“We are making considerat­ion so that basic policy direction on a new framework to allow in foreigners with a certain level of specialty and skills will be reflected in the economic policy guidelines,” ani Suga.

“But this is not a step to allow in so-called unskilled workers.”

Ang economic policy guidelines ay nakatakdan­g buuin sa Hunyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines