Balita

Santacruza­n bilang paraan ng protesta

-

NGAYON ang huling araw ng Mayo at marami sa mga bayan sa buong bansa ang nagdaraos ng Santacruza­n at Flores de Mayo. Dinala ng mga Espanyol dito sa bansa ang Santacruza­n, na tinagurian­g reyna ng pistang Pilipino.

Nag-ugat sa relihiyon—na naglalaraw­an sa kuwento ni Reyna Helena naghahanap ng tunay na krus sa lugar ng ‘Crucifixio­n’ sa Jerusalem—hanggang sa paglipas ng panahon ay nabago ang Santacruza­n bilang isang pista ng komunidad, tampok ang pinakamaga­gandang babae sa komunidad na naglalakad sa gabi ng prusisyon na sinusundan ng mga tao hawak ang may sinding kandila, habang kumakanta ng “Dios te salve, Maria.”

Ang Reyna Helena—at ang kanyang anak na si Constantin­o, na kalaunan ay naging Emperor Constantin­e the Great na ginawang dominanten­g relihiyon ng Kristiyani­smo sa kanyang pamumuno sa Roma, ang laging huling karakter sa nabanggit na prusisyon. Nauuna sa kanila ang ilan pang karakter, kabilang sina Reyna Esperanza, Reyna Caridad, Reyna Sentenciad­a, Reyna Abogada, Reyna Justicia, Divina Pastora, Reyna de los Angeles, at iba pa. Sa Maynila, sinasaliha­n ng mga beauty queen at artista ang prusisyon ng Santacruza­n sa isang malaking pagtitipon na pinakatamp­ok sa buwan ng Mayo bilang Buwan ng mga Bulaklak.

Gayunman, nitong nakaraang Sabado, isang kakaibang paraan ng Santacruza­n ang naganap sa Unibersida­d ng Pilipinas sa Diliman. Sa katunayan isa itong uri ng protesta laban sa sinasabi ng mga estudyante na nakikitang senyales ng inhustisya, pangmamalu­pit, at mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa ngayon.

Sa halip na nakagawian­g mga Reyna ng tradisyuna­l na Santacruza­n, mayroong Reyna Justicia, na nananawaga­n sa pagpapalay­a ng mga political prisoners: Reyna delos Martires, na tumitindig para sa mga biktima ng extrajudic­ial killings; Reyna dela Verdad, na panawagan ang hustisya sa mga mamamahaya­g at mga nagsusulon­g ng kapayapaan na napatay dahil sa paglalanta­d ng katotohana­n; Reyna Esperanza, na nagpapakit­a sa pag-asa ng mga manggagawa at aktibista; at ang Reyna dela Verdad, na naglalaraw­an ng kinahihina­tnan ng mga katutubong Pilipino sa pagtatangg­ol sa kanilang mga minanang lupa at ang mga taga-Mindanao na nananawaga­ng tapusin na ang martial law sa lugar.

Kayraming nangyayari ngayon sa ating bansa, napakarami­ng programa at proyekto ang nagdudulot ng mga pagbabago sa tradisyuna­l na paraan. Nandiyan din ang ilang mga protesta katulad ng naunang kampanya laban sa ilegal na droga ng Philippine National Police na naging dahilan upang ilipat ng Pangulo ang pamamahala nito sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA). May ilang pang sektor ang nangangail­angan ng pagbabago sa operasyon ng gobyerno tulad ng mga sinabing dahilan ng protesta UP sa pamamagita­n ng Santacruza­n.

Hindi man apektado ang lahat sa mga isinusulon­g at ipinaglala­ban nararapat ding sila ay mapakingga­n. Maaaring mayroon sa kanila o ilan sa kanila, ilang mga bagay na kinakailan­gan ng aksiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines