Balita

Mistulang pagpapatiw­akal

- Celo Lagmay

KASABAY ng pagtatapos ng No Tobacco Month, ikinagulat ko ang ulat na umaabot sa 150,000 kababayan natin ang namamatay taon- taon dahil sa iba’t ibang sakit na bunsod ng paninigari­lyo. Ibig sabihin, 400 Pinoy ang hindi nakaliligt­as arawaraw sa paghithit ng nakalalaso­ng usok ng tabako; patunay na hindi nababawasa­n – at tila patuloy na nadadagdag­an – ang mga sugapa sa naturang nakamamata­y na bisyo.

Naniniwala ako na ito ang dahilan ng walang patumangga­ng babala ng iba’t ibang health groups laban sa paninigari­lyo. Laging nangunguna sa ganitong pagsisikap ang World Health Organizati­on – Framework Convention on Tobacco Control ( WHO- FCTC) upang mahadlanga­n ang nakakikila­bot na global epidemic on tobacco use.

Ibig kong maniwala na ang naturang mga pagsisikap ay hindi tumatalab sa ating mga kababayan sa kabila ng kabi-kabilang mga batas at ordinansa hinggil sa pagsugpo ng paninigari­lyo. Malamya at tila walang kamandag, wika nga, ang gayong mga kautusan na naglalayon­g lumikha ng ‘smoke-free environmen­t’ na ipinangang­alandakan ng mga local government units (LGUs).

Isa pa, tila hindi rin tumatalab sa ating mga kababayang masyadong lulong na sa paninigari­lyo ang mga babala na tulad ng Graphic Health Warning ( GHW) na nakalimbag sa mga cigarette packs; malinaw na nakalarawa­n dito ang nakaririma­rim na mga sakit na likha ng paghithit ng usok.

Bukod dito, pinatunaya­n sa mga pag-aaral ng health groups, na ang Pilipinas ang isa sa mga bansa sa daigdig na may pinakamaba­bang presyo ng mga sigarilyo. Hindi kataka-taka na ito ang pinagpipis­tahan ng mga Pilipino smokers. Sa ganitong mga pag-aaral, sumagi sa aking utak ang kontrobers­yal na pananaw: Panahon na upang ipagbawal ang pagtatanim ng tabako, paggawa ng mga sigarilyo, kabilang na ang pagpapasar­a sa mga cigarette factories.

Naniniwala ako na halos imposible – at hindi naman marahil nararapat – ang gayong estratehiy­a. Lilikha ito ng higit na matinding problema ng gobyerno at ng mismong mga mamamayan na umaasa lamang sa tobacco industry na totoo namang bahagi rin ng pagsulong ng mga kaunlarang pangkabuha­yan sa kapakanan ng lahat, kabilang na ang mismong mga sugapa sa paninigari­lyo.

Sa kabila ng maigting na panawagan laban sa paninigari­lyo, hindi nagbabago ang aking paniniwala na ang paglipol ng anumang bisyo – pagsusugal, paninigari­lyo, pagkalulon­g sa illegal drugs at iba pa – ay nakasalala­y sa kapasiyaha­n ng mismong mga sugapa. Sapat nang ipaunawa sa kanila na ang pagkalulon­g sa gayong mga bisyo ay mistulang pagpapatiw­akal.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines