Balita

Ika-22 labas

-

NASURI na ni Tandang Egle ang nananakit na tiyan ni Erlinda, babaeng may diperensya sa isip na anak nina Mang Dalmacio at Aling Bening. Nakangiti ito matapos masuri si Erlinda.

“Bakit ho kayo napangiti ng matamis, Tandang Egle?” Tanong ni Aling Bening. “Buntis ho ba si Erlinda?”

“Tama ka, Bening,” sagot ni Tandang Egle. “Nadama ko ang pintig ng kanyang pulsong nagpapatun­ay na may buhay na umuusbong sa sinapupuna­n ni Erlinda!”

“May nakita rin ho ba kayo sa leeg niyang palatandaa­ng buntis ang anak namin?” Tanong uli ni Aling Bening.

“Mayroon, ngunit muli kong pagmamasda­n para matiyak kong tama ang aking hinala,” sagot ni Tandang Egle. “Baka nagkakamal­i ako ng tingin dahil minsan lumalabo na ang mata ko!”

“Sige ho,” sang-ayon ni Aling Bening.

At muling pinagmasda­n ni Tandang Egle ang bahagi ng leeg ni Erlinda sa may dibdib na kinaroonan ng sinasabi niyang palatandaa­ng magpapatun­ay na buntis ang dalagang may diperensya sa pagiisip. Muli, napangiti ng matamis ang matandang albularya dahil totoo ang hinala niyang buntis ang dalaga.

Hindi na nagsalita ang mag-asawa at nagpatuloy lang sila sa panunuod sa ginagawa ng matandang albularya para mapatigil ang pananakit ng tiyan ng anak. Dahil mahabang panahon ng tumitingin sa nagbubunti­s sa Bayan-bayan at kalapit na barangay, agad nagkaroon si Tandang Egle ng hinala sa pagsakit ng tiyan ni Erlinda.

“Hindi maganda ang posisyon ng sanggol sa kanyang tiyan,” wika ni Tandang Egle habang sinasalat ang tiyan ng dalaga.

“Ibig ho ninyong sabihin, buntis talaga ang anak namin?” Tanong ni Mang Dalmacio.

“Walang dudang buntis si Erlinda, huwag na ninyong kontrahin ang natuklasan ko,” sagot ni Tandang Egle. “Mahigit ng apatnapung taon akong tumitingin sa mga babae kung buntis at hindi pa ako nagkakamal­i!”

“Naniniwala ho akong buntis ang anak naming,” pag-amin ni Aling Bening.

“Ako rin ho,” pag-amin din ni Mang Dalmacio.

“Kailangang malaman ito ng karelasyon ni Erlinda,” wika ni Tandang Egle. “Kailangan niyang panagutan ang ipinagbubu­ntis ng anak ninyo para hindi lumaking bastardo!”

“Sa parte pong ‘yan, may malaking problema, Tandang Egle,” sagot ni Aling Bening.

“Anong malaking problema ang sinasabi mo, Bening?” Tanong ni Tandang Egle. “Simpleng bagay lang ang nangyari, nabuntis si Erlinda ng kanyang karelasyon kaya dapat panagutan!”

“Hindi ho namin kilala kung sino ang nakabuntis sa kanya,” sagot ni Aling Bening. “Walang manliligaw si Erlinda at laging nasa bahay!”

Hindi sumagot o nagbigay ng komentaryo si Tandang Egle sa sinabi ni Aling Bening, tahimik at patuloy lang niyang ginawa ang dapat gawin para maayos ang sanggol sa tiyan ng dalaga.

Inutusan din niya si Mang Dalmacio na ilapit sa kanya ang bag na gawa sa dahon ng kalagimay para kunin ang mga kailangang gamit sa paghihilot. At mula sa bag, inilabas ni Tandang Egle ang botelyang naglalaman ng langis ng niyog na gagamitin sa paghihilot sa tiyan ni Erlinda. Kaagad binuksan ng matanda ang botelya.

Ngunit dahil ilang minuto na ang nakalipas mula nang itaktak ng albolaryo ang bote at wala pang nararamdam­ang likidong pumapatak sa palad, itinaas ni Tandang Egle ang botelya at itinapat sa sikat ng araw na pumapasok sa kuwartong naglalagos sa bintana.

“Nakatulog pala ang langis,” wika ni Tandang Egle. “Kailangang mainit ito para magamit!”

“Ako na hong mag-iinit, may baga pa sa dapog, doon ko lulusawin ang langis ng niyog,” sagot ni Mang Dalmacio.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ?? R.V. VILLANUEVA
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines