Balita

50,000 ‘volunteers’ kailangan sa SEAG

- Annie Abad

BILANG bahagi ng paghahanda sa nalalapit na Southeast Asian Games sa darating na 2019 sa Pilipinas, hindi lamang ang pagsasaayo­s ng mga venues ang inaatupag ng Philippine Sea Games Organizing Committe (Phisgoc) kundi ang pangangail­angan sa ‘Volunteers’ para tumulong sa hosting ng nasabing biennial meet.

Plano ng pamunuan ng Phisoc na kumuha ng kabuuang 50,000 mga volunteers na maaring tumulong sa pag asiste sa mga atleta at mga delegasyon sa kanilang pananatili sa bansa.

Ito ang mga tao na magiging abala sa pag asikaso sa mga bisita buhat sa hotel na kanilang titirhan hanggang sa playing venues sa kalakhang Maynila at sa Central Luzon partikular na sa Clark new City sa Pampanga,

Ang mga nasabing volunteers ay itatalaga sa mga nasabing venues kung saan ay may tatlong mamumuno rin sa bawat venues na mag mamando at makikipag tulungan sa head ng mga committees na itatatlag sa para sa pagsasaayo­s ng hosting.

Nauna na dito, 30 sports discipline ang inaprobaha­n na ng Phisgoc na siyang nakatakdan­g laruin sa nasabing kompetisyo­n na tatagal ng dalawang linggo buhat sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 9 ng susunod na taon.

Sinabi naman ni Philippine Olympic Committee ( POC) president Ricky Vargas na siya rin chairman ng Phisgoc na ngayon pa lamang ay nagsisismu­la na silang maghanap ng mga volunteers na maaring makaibahag­i sa presitihiy­osong kompetisyo­n.

Inanunsiyo din nila na tatagal hanggang sa Hunyo 30 ng taong kasalukuya­n ang pagsumite ng mga karagdagan­g sports discipline na nais na maidagdag sa nasabing labanan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines