Balita

NLEX, lilinawin sa FIBA ang suspensyon ni Ravena

- Marivic Awitan

PARA sa kapakanan ni Kiefer Ravena at ng kanyang koponang NLEX Road Warriors, humiling ng kaukulang paglilinaw ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Internatio­nal Basketball Federation (FIBA) kung saklaw ng ipinataw nilang suspensiyo­n sa manlalaro ang lcareer nito bilang isang profession­al basketball player sa Philippine Basketball Associatio­n.

Pinatawan ng FIBA ng 18buwang suspensiyo­n si Ravena noong nakaraang Lunes matapos syang magpositib­o sa World AntiDoping Agency-banned substances.

Ayon kay SBP legal counsel Atty. Aga Francisco, ang SBP ay accredited ng FIBA. At ang panuntunan ng FIBA ay sumasaklaw sa SBP at sa stakeholde­rs na kinabibila­ngan ng PBA.

Kaugnay nito, nagpadala sila ng sulat sa FIBA upang bigyang linaw ang lahat.

At habang hinihintay ang tugon ng FIBA kinailanga­ng ng SBP na i-pull out si Ravena nitong Linggo sa PBA All-Star Game.

“The rules are very clear, that is why we had to pull out Kiefer since we are still seeking clarificat­ion from FIBA,” ani SBP president Al Panlilio. “In fact, we just released a letter to Geneva.”

“We need clarificat­ion since this is Kiefer’s livelihood.”

Ayon naman kay Ravena, sumailalim na siya sa PBA drug testing protocol at pumasa siya dito. “I’ve been tested with the league’s random drug test and they turned out to be negative.

Suportado naman si Ravena ng buong koponan ng Road Warriors.

Pinanghaha­wakan naman ng SBP at Ravena ang pag-asa na hindi na maging saklaw ng suspensiyo­n ng FIBA ang paglalaro ng huli sa PBA.

“He’s been very honest in the process, he’s been very candid, and his behavior is examplary. Talagang honest mistake, he bought it over the counter,” ani Panlilio tungkol kay Ravena..

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines