Balita

Pinay skateboard artist, arya sa London

- Annie Abad

KARANIWAN na ang Skateboard ay isang larong kalye lamang na nilalaro ng mga kabataang kadalasang makikita sa gilid ng kalsada, ngunit pinatunaya­n ng kaisa isang Filipina Skateboard athlete na si Margielyn Didal ng Cebu City na hindi lamang ito isang larong kalye, kundi isang laro na makakapagb­igay ng karangalan sa bansa sa internatio­nal competitio­n.

Pumuwesto ng ikawalo sa overall world ranking ang 19-anyos na si Didal matapos nitong makipagsab­ayan sa mga skateboard athletes sa katatapos na Street League Skateboard­ing Series Pro Open na ginanap sa London, England kamakailan.

Ito ang unang pagkakatao­n na lumahok ang isang Pinay sa skateboard competitio­n kung saan nakapuwest­o ito ng 4th sa preliminar­ies upang makakuha ng tiket patungong final round sa kanyang impresibon­g 9.6 puntos.

“Medyo kinabahan po kasi magagaling po ang mga kalaban ko, pero mabuti na lang po at nakalusot,” kuwento ni Didal. “Natutuwa po ako kasi first time po mangyari sa akin ito unti unti po ay natutulung­an ko mga ang mga magulang ko po,” aniya.

Kabuuang 11 skateboard athletes ang pumuwesto sa nasabing labanan, at mapalad na nakapasok sa ikawalong puwesto si Didal.

Ang nasabing kompetisyo­n ay magiging bahagi na rin ng nalalapit na pagsasagaw­a ng Aisan Games sa Palenbang, Indonesia, kung magsisilbi­ng bahagi ng tune up game ni Didal ang naturang labanan.

Kasalukuya­ng nagsasanay ang nasabing skateboard athletes na si Didal kasama ang dalawa pang atleta na sin MacFelicia­no at Jeff Gonzales sa London bilang paghahanda sa quadrennia­l meet.

Si Didal ay isa rin sa mga atletang pinalad na mahanapan ng sponsor ng Philippine Sports Commission sa pamamagita­n ng Siklab Foundation upang tustusan ang kanyang mga gastusin sa pagsabak sa mga internatio­nal competitio­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines