Balita

St. Benilde, liyamado sa Adamson

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 12:30 n.h. -- St. Benilde vs Adamson 2:15 n.h. -- UP vs UE 4:30 n.h. -- EAC vs Gilas 7:00 n.g. -- NU vs Ateneo

ITATAYA ng College of St. Benilde ang liderato ng Group B habang magtatangk­a ang Ateneo de Manila University na sumalo sa pamumuno sa Group A sa pagsabak nila ngayong hapon sa Filoil Flying V Pre Season Cup na inihahatid ng Chooks to Go sa San Juan City.

Unang sasalang ang Blazers na aasintahin ang ika-6 na sunod na panalo sa pagtutuos nila ng Adamson University sa unang laro ganap na 12:30 ng hapon habang sasalang naman sa huling laban ang Blue Eagles na target namang dagitin ang ikalimang dikit nilang panalo upang makisalo sa kanilang archrival De La Salle sa pamumuno sa pagtutuos nila ng National University sa huling laro ganap na 7:00 ng gabi.

Sa iba pang laban, magtatapat sa ikalawang laro ganap na 2:15 ng hapon ang University of the Philippine­s at University of the East na susundan ng sagupaan ng Emilio Aguinaldo College at ng Gilas Pilipinas cadets ganap na 4:30 ng hapon.

Taglay ang barahang 4-3, sisikapin ng Maroons na palakasin ang tsansang sumalta ng quarters habang tatangkain din ng Red Warriors na umangat sa kasalukuya­ng markang 2-3.

Ikatlong panalo naman ang hangad ng Gilas cadets sa pagsabak nila kontra sa winless pa ring Generals.

Sa panig ng Falcons, tatangkain nilang wakasan ang pamamayagp­ag ng Blazers upang makasalo sa liderato ng kanilang grupo.

Ang kabiguan ng CSB ay lilikha ng 3-way tie sa pamumuno sa Group B sa markang 5-1, panalo-talo kasama ng Far Eastern University..

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines