Balita

Happiest Pinoy, may R1M sa Cebuana Lhuillier

-

SA ikaapat na taon, muling maghahanap ang nangunguna­ng microfinan­cial services company -- Cebuana Lhuillier— sa bansa ng pinakamasa­yang Pinoy sa ‘Search for the Happiest Pinoy’ 2018.

Isinasagaw­a ang kompetisyo­n bilang pagkilala sa katatagan at pagiging positibo ng Pinoy, sa kabila ng mga suliranin at dagok sa buhay.

“Cebuana Lhuillier has always believed that Filipinos are one of the most resilient people in the world. We have always faced life’s challenges with optimism, faith, and a can-do attitude—and we believe that this should be recognized and encouraged at all times. We have been celebratin­g this culture of happiness and resilience through the Search for the Happiest Pinoy since 2009,” pahayag ni Jean Henri Lhuillier, president and CEO ng PJ Lhuillier Group of Companies.

Sa 41st Annual Global End of Year Survey of Gallup Internatio­nal, nasa ikatlo ang Pilipinas sa buong mundo bilang ‘happiest countries’ sa buong mundo. Sa naturang survey, lumalabas na nananatili­ng positibo at matatag ang mga Pinoy sa pamumuhay kahit hitik sa mga suliranin dulot nang iba’t ibang aspeto sa buhay.

Higit na pinalawak ang sakop para sa paghahanap ng “2018 Search for the Happiest Pinoy” sa 10 bagong kategorya; youth, senior citizens, overseas Filipino workers (OFWs), lingkod bayan, profession­als, manggagawa­ng Pinoy, entreprene­urs, employees, persons with disabiliti­es (PWDs), at lesbian, gay, bisexual, transgende­r, and queer (LGBTQ) community.

Binubuo ang mga hurado na pipili ng mananalo mula sa Cebuana Lhuillier, miyembro ng academe at business community, gayundin ang mga nakalipas na Happiest Pinoy winners. Ang bagong happiest Pinoy ay pipiliin mula sa 10 mangunguna­ng kandidato sa 10 kategorya.

Para sa 2018 edition, hindi na kailangan ang ‘third-party nomination’. Para makasali, kailangan lamang ng mga interesado­ng indibidwal na pumili ng kategorya at sagutan ang applicatio­n sa pamamagita­n ng SMS at i-text ang buong pangalan, petsa ng kaarawan,at category code sa (0920) 958-2455 (Smart/Talk ‘N Text), (0917) 878-2453 (Globe/ TM), at (0932) 842-8562 (Sun); puwede rin via online sa www.happiestpi­noy/register.aspx; o ipadala ang applicatio­n form saan man sa 2,200 branch ng Cebuana Lhuillier sa bansa.

Tumatagint­ing na P1 milyon taxfree ang matatangga­p ng grand winner, habang may tig-P50,000 ang bawat category winners. Makakasama rin ang magwawagi sa ‘exclusive group’ ng Happiest Pinoy na kinabibiln­gan nina 2009 winner Winston Maxino, 2012 winner Rommel Arellano, at 2015 Happiest Pinoy winner Richardson Navor.

Para sa karagdagan­g detalye, bisitahin ang www.happiest-pinoy.com o Happiest Pinoy sa Facebook.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines