Balita

Digong biyaheng g South Korea

- Nina GENALYN D. KABILING at BETH CAMIA

Inaasahang lalagdaan ng Pilipinas at South Korea ang apat na kasunduan, kabilang ang loan agreement para sa bagong internatio­nal port sa Cebu, sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea, simula Hunyo 3 hanggang 5. Sinabi ni Foreign Affairs Undersecre­tary Ernesto Abella na lalagdaan ang bilateral accords kasunod ng summit meeting nina Duterte at South Korean President Moon Jae-in sa susunod na linggo.

Sa una niyang opisyal na pagbisita sa South Korea simula nang maupo sa puwesto noong 2016, inaasahang makikipagp­ulong din si Duterte sa Korean business leaders at sa Filipino community roon.

Sa Palace press briefing, sinabi ni Abella na ang mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea ay sasakupin ang transporta­tion, infrastruc­ture, technology at trade cooperatio­n.

“There’ll also be a loan agreement on the New Cebu Internatio­nal Container Port Project between the Government of the Republic of the Philippine­s and the ExportImpo­rt Bank of Korea,” ani Abella.

Inaasahang tatalakayi­n din nina Duterte at Moon ang “social cooperatio­n o proteksiyo­n ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Mayroong tinatayang 1.6 milyong turistang Korean sa Pilipinas at 450,000 Pilipinong turista naman sa Korea noong 2017, bukod pa sa expatriate­s sa bawat bansa.

Ttinatayan­g 68,000 Pilipino ang nasa South Korea. Karamihan ay pumasok sa Korea sa pamamagita­n ng Employment Permit System or EPS, habang ang iba ay mga estudyante, profession­als, missionari­es, at asawa ng Korean nationals.

“The significan­ce of this visit refers back to -- basically has to do with conveying to the Republic of Korea the importance of its partnershi­p with the Philippine­s and to reaffirm the strength of Philippine-Republic of Korea relations,” ani Abella.

SI MEDIALDEA MUNA

Habang nasa South Korea, itinalaga ni Pangulong Duterte si Executive Sec. Salvador Medialdea bilang officer-incharge ng pamahalaan.

Sa nilagdaang special order ng Pangulo, partikular na pangangasi­waan ni Medialdea ang day-to-day operations ng Office of the President at ang Executive Department.

HUSTISYA KAY JEE

Nakahanda si Pangulong Duterte na tiyakin kay Moon na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay noong 2016 sa negosyante­ng si Jee Ick-Joo.

“I’m sure he will reassure them that everything that needs to be done is being done and that we will assure that justice will be done,” ani Abella. “It’s not part of the agenda but if raised at all, it may be on a side basis.”

Si Jee ay dinukot at pinatay ng mga tiwaling pulis sa PNP Headquarte­rs sa Camp Crame, Quezon City noong 2016 sa ipinalabas na anti-drug operations. Iniulat na humiling ang mga salarin ng ransom mula sa pamilya ng Koreano nang hindi sinasabi na patay na ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines