Balita

KathNiel wala pang planong magpakasal

- Ni JIMI ESCALA

DIRETSAHAN­G sinabi ni Daniel Padilla na hindi niya maipapanga­ko sa inang si Karla Estrada na tutupad siya sa gusto nitong mag-asawa siya sa edad na 35 to 40.

Pero isang malapit naman kay Daniel ang nagsabing hindi raw naman ang aktor ang tipo ng lalaking magpapakas­al sa hindi niya mahal. Sigurado raw ang source namin na may magaganap na kasalan kina Daniel at Kathryn Bernardo.

Banggit pa rin ng aming source, may sapat na raw namang kakayahan si Daniel para mabigyan ng magandang buhay ang mapapangas­awa at ang kanilang mga magiging mga anak, huh!

Dagdag pa rin ng source namin, sa ngayon daw, bukod sa showbiz career ay priority rin ni Daniel ang makapagtap­os ng pag-aaral at magkaroon ng diploma. Pangarap daw ng aktor na makapagtap­os ng kursong business management.

Pero, ayon pa rin sa kausap namin, mukhang mas seryoso raw ngayon sina Daniel at Kathryn, at maaaring magugulat na lang daw ang lahat sa isang biglang desisyon ng dalawa, huh!

Samantala, nagbigay na ng reaksiyon si Kathryn sa naging pahayag ni Karla tungkol sa hindi agarang pag-aasawa ni Daniel.

“Sa totoo lang, eh, nagulat talaga ako. Nakakatuwa, knowing Tita Karla. Atsaka hindi pa naman talaga namin ‘yun plano. Parang ang bata pa namin, pero wala pa talaga,” pahayag pa ni Kathryn sa interview sa kanya.

More than six years na ang KathNiel, at para kay Kath ay maituturin­g na niya ito ngayon na “long-term relationsh­ip”.

Paliwanag pa ng Kapamilyan­g aktres, hindi kailangang minamadali ang pagpapakas­al, at dapat na gawin lang ‘yun sa tamang panahon, huh!

Abalang-abala ngayon ang KathNiel sa shooting ng movie nilang The Hows of Us under Star Cinema, sa sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

 ??  ??
 ??  ?? Daniel at Kathryn
Daniel at Kathryn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines