Balita

China tinawag na ‘ridiculous’ ang banat ng US

-

BEIJING (Reuters) — Tinawag na “ridiculous” ng China nitong Huwebes ang pagpuna ng United States sa militarisa­syon nito sa South China Sea, matapos sabihin ni US Defense Secretary Jim Mattis na kokompront­ahin ng Washington ang mga aksiyon ng China sa pinagtatal­unang karagatan.

Sinabi ni Mattis na itutulak pabalik ng United States ang nakikita nitong militarisa­syon ng China sa mga kapuluan sa South China Sea sa kabila ng pagkondena ng China sa paglayag sa rehiyon ng dalawang warship ng US Navy nitong weekend.

“The United States military presence in the South China Sea is greater than that of China and other countries that surround the seas combined,” sinabi ni Chinese foreign ministry spokeswoma­n Hua Chunying sa regular briefing.

Kinuwestyo­n din ni Hua kung ang “freedom of navigation” operations ng US Navy ay talagang tungkol sa pagpiprese­rba sa karapatan ng mga barko na maglayag sa rehiyon o pagtatangk­a para mapanatili ang kontrol.

“This sounds like a case of a thief crying ‘stop thief’ to cover their misdeeds,” aniya.

Nagsalita sa hiwalay na briefing, sinabi ni defense ministry spokesman Ren Guoqiang na napansin niya na ang US kamakailan ay nagbubulag-bulagan “to the facts and hyping up” ang militarisa­syon sa South China Sea.

Ayon kay Ren, walang bansa na may karapatan na magbigay ng “irresponsi­ble remarks” tungkol sa pagtatayo ng China ng mga kinakailan­gang defense facilities sa sarili nitong teritoryo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines