Balita

Gamitin ang pondo ng Malampaya para sa programang ‘Pantawid Pasada’

- PNA

ISANG mambabatas mula sa isang partido ang naghain ng resolusyon upang pahintulut­an ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang pondo ng Malampaya sa pagtatatag ng Philippine­s Strategic Fuel Reserves ( PSFR) at ipatupad ang pagpapalaw­ak ng pondo sa programang Pantawid Pasada.

Sa House Resolution 1936, sinabi ni 1- PACMAN Partylist Rep. Michael Romero na maaaring magpatupad ng pinalawig na Pantawid Pasada program ang Department of Energy ( DoE), ang ahensiyang gumagamit ng pondo ng Malampaya upang maisama hindi lamang ang mga pampubliko­ng jeep at bus, kundi maging ang mga transport network vehicle service ( TNVS) units, mga taxi at maging ang mga cargo truck.

Hinihikaya­t din ng resolusyon si Pangulong Duterte na magpalabas ng isang executive order para sa paglikha ng PSFR, na pamamahala­an ng DoE, Philippine Oil Company, at Department of Finance.

“A national strategic fuel reserve has been an option the Department of Energy has had on its shelves to address energy crises,” pahayag ni Romero sa kanyang resolusyon.

Ayon kay Romero, base sa ulat ay may natitira pang pondo ang Malampaya na umaabot sa P198.567 bilyon. Itinatag ang Malampaya sa ilalim ng Presidenti­al Decree 910 noong Marso 22, 1976. Ginagamit ito upang mabawasan ang bigat ng pagtaas ng presyo ng langis bilang tulong sa mga Pilipino.

Dagdag pa rito, maaaring ipag- utos ng Energy Regulatory Commission sa mga kumpanya ng langis sa bansa na panatilihi­n ang kanilang sariling reserbang langis sa lebel na maaaring umagapay sa pangangail­angan ng mga mamimili sa loob ng 40- 60 araw.

Sa ilalim ng Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion Law, kinakailan­gang magpatupad ng ahensiya ng programang Pantawid Pasada o proyektong aagapay sa mga commuters at pampublion­g transporta­syon at ang jeepney modernizat­ion program para naman mabawasan ang bigat ng pagtaas ng excise tax sa langis na dagdag sa pasanin ng publiko at land transport sector.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines